Sunday, February 25, 2007

May bago akong kinababaliwan ngayon. Yes, the Nintendo Wii. Nakuha ko siya 2 weeks ago at magmula nun, nahook na ko. Yun lang gusto ko lang i-share. Kaya sa may mga wii din dyan, add niyo ko sa wii friends list nyo. Here's my number: 5053-2324-1077-5116.

Friday, February 16, 2007

To Nomad UK



I hate goodbyes. Puro iyakan na lang pati senti senti pero may magagawa ba ko? ganun talaga eh. May mga bagay talaga na kahit gaano ka excited sa mangyayari sa future mo, hindi mo talaga maiiwasan na malungkot dahil may maiiwanan ka as you go along.

Yan ang nangyari sakin dito sa IBM. Andito pa ko ngayon sa office at ito ang huling araw ko dito. Looking back, sobrang maraming nangyari sakin dito. Magmula sa pagsalubong sakin nila joe nung first day ko, hanggang sa pagsenti senti ko sa binigay nilang surprise video sakin na ginawa nila para sakin. Madaming masasaya at meron ding mga malulungkot. Lahat ng mga yon ay hindi ko makakalimutan dahil sa mga memories na yon nakasama ko ang mga masasabi kong tunay kong mga kaibigan.

Wala na ko masabi pa kundi ang mag thank you sa inyong lahat. Thank you for the happy and sad moments. Thank you for being my friends. Thank you for being part of my life.

I will miss many things:
  • My workstation ko(Alagaan mo yan wendy!)
  • My fellow BC islanders at ang kabilang isla
  • Ang Nomad extension
  • Ang pag-scavenge ng mga lunch ng mga Nomad UK girls
  • SHAWARMA RICE!!!
  • Ang english lessons ni Vangie
  • Ang malalim na boses ni Kathy
  • Ang mga dilat na mata ni Yora
  • Ang nakakabinging boses ni Jeff
  • Ang maamong mukha ni Jonar
  • Ang career talks namin ni Jaja
  • Ang makulay na pagibig ni Kissy at Macky
  • Ang makisig na katawan ni Maan
  • Ang mga tunog na nagmumula sa bibig ni Nicky (sound effects)
  • Ang mala "radar" na tingin ni Peter
  • Ang mga runway looks ni Gene
  • Ang bihirang pagtatanong sakin ni Wendy
  • Ang collage ni Kas
  • Ang napakagandang mukha at katawan ng minamahal kong Kat
  • Ang mahinhing tawa ni Mara
  • Ang crayola ni Joe
  • Ang maliit na mundo ni Philip at ni Tower 2
  • At syempre ang pag-aaudit. Auditing showed me the purpose of my life...

So ayun..To Nomad UK + extension, ingat kayong lahat! sana walang kalimutan! may friday club pa din tayo ayt?

Always remember, If you can't demonstrate (documentation) it, you cannot perform it.

Tito aka Meux, Smartie, Titopotpot and Tito Teddie