Saturday, August 19, 2006

ano nga ba ulit yun?

"blogger's block" yan ang bagong title ng blog ko. parang "designer's block" -- yung wala kang maisip na idea. obviously, kaya eto na ang title ng blog ko kasi yan parati sakit ko. ang dami dami kong ideas na puedeng ilagay dito pero pag magsisimula na ko mag-type, ayun, wala na. clueless na. as if walang naisip. pero paminsan pag tinopak nakakasulat naman ako, magulo nga lang. tulad nito.

ibahin ko na style ko dito. tutal napagtatawanan din lang naman ang pageenglish ko, gawin ko na tong tagalog (paminsan taglish/englog). kaya din naman ako nahihirapan magsulat dito kasi nauubusan lang ako ng english, nagdudugo lang naman tenga at ilong ko eh sayang lang bulak namin.

try kong maging personal to as possible. kasi ako tong blog na to. reflection ko to. kung ano iniisip ko, dito ko inilalabas. bahala na kung gulo gulo o mali mali ang punctutation marks, ang importante nailabas ko ang naiisip ko at naishare ko sa lahat. ganun naman ang true meaning ng blog diba?

bakit ganun? pag sa utak ko ang dami dami kong gustong sabihin pero pag isusulat ko na dito hirap na hirap akong maglabas. tulad ngayon, every word ata na itype ko nagkakamot ako ng ulo. di ko kasi alam kung tama ba o maayos tong sinusulat ko. ano nga ba ulit topic nito? ang layo ko na ata sa dapat na napaguusapan dito eh. bahala na nga! type lang ng type!

ok na siguro muna to..aba ok ah, may entry na ulit ako..malabo nga lang..astig.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home